kuwento ko lang.
officially graduate na ako from college! haha. after all those high and low times ng apat na taon ko sa kolehiyo, it finally came to an end! =) siyempre super proud ako sa sarili ko for surviving those four challenging years. kumbaga as the cliche would say: another chapter of my life is about to uncover! i now have to enter the world of unemployment, salaries, and career growth.
ofcourse, siyempre wala akong idea kung anong meron sa mundong ginagalawan ng mga young professionals dito sa bansa. and to get a glimpse of what it is, a friend and i decided to wrap up a general curriculum vitae and take the streets of ayala avenue, makati city.
oo. sinubukan naming magwalk-in sa mga companies and offices na nasa may ayala avenue. wala lang, for the sake of it lang. hindi ko alam sa inyo ano, pero i live in a suburban area in quezon city for more than half my life. it’s away from the hustles and bustles of the corporate/industrial world. and i lived to the last four years of my life in los baños where everyone have been good-tempered, modest and kind. Ayala Avenue has a very different facade to show. high rise buildings, people walking along the streets, coffee shops every corner – quite different to the mediocre metro manila nor to ideally unrealistic los baños i knew.
then it kept me thinking, kaya ko ba talaga sa ganitong environment??. everyone seems to be too competetive, too driven, too fast paced in corporate makati. i was used to living a simple life based on the kind of environment my parents chose for me to be in. the environment in los baños in my college years didn’t help too, although it has a good academic environment, makati is indeed a different place.
so ano talaga ang kuwento? naglalakad kami along ayala avenue with copies of our resume, backed with my four years of study in the field of economics. oo pareho kaming economics major nung friend ko. at first nag aalangan akong maging walk-in applicant. kasi in the first place, mayroon nang technology para padaliin ang paghahanap ng work these days. mapilit lang talaga yung friend ko. anyways nasa makati na rin lang ako, ang nasa isip ko, give it a shot. nakita ko yung name ng isang familiar na company na nabrowse ko one time sa jobstreet and they are looking for econ majors who has interest in the banking and finance. ok, sa loob-loob ko pasang awa lang talaga ako sa banking and finance eh tapos pupunta aiko sa field na ganito. pero hey why not try nga diba?
so there, unang una pumunta kami dun sa isang company na may mga kilala akong nagwowork. they needed the same field of expertise that i have. tapos after naming magpass ng CV pumunta na kami sa susunod na company. actually nakita lang namin ‘yon on the way tapos naalala ko they were looking for people who would want to work in the world of banking and finance. wala pa akong idea sa anong uri ng firm ‘yun, basta nakita ko lang sa net. then i said why not i-try nga naming magapply. hindi ko alam kung masasabi kong masuwerte, pero first day kasi namin ‘yon as job hunters… kumbaga in economic sense – first day kong unemployed.
nakashirt lang ako nuon plus regular jeans. yun friend ko naman, naka sleeveless na shirt, jeans at tsinelas – typical UP student ang itsura namin. nagulantang kami kasi andaming applicants at lahat sila naka corporate attire. define naka tie at dress shirts yung mga lalake, naka heels naman yung mga babae. in short, mukha kaming yagit.
tinawag na nung clerk – or i though he was – yung number ko. pumunta ako sa kanya tapos binigay yung CV ko. then nagsimula ang windang moment ko. agad-agad akong ininterview!!
‘please answer me in english and in complete sentences..’
hala. hindi man lang ako binigyan ng time magisip. in the firstplace, wala akong idea sa nature ng firm na ito. miski description nga hindi ko alam tapos iinterviewhin na ako!! lagot!
so ayan. natapos yung first leg ng interview – tinanong ko yung kasama ko: bakit tayo ininterview? akala ko magbibigay lang ng resume? – then it hit me… job fair pala ng firm na ito. then saka ko lang marerealize na HR firm pala yung pinasukan namin.
pinaupo nila kami sa isantabi at pinaghintay para sa isa pang interview – ang reaksyon ko: huwhaaat?!@@!~
isinalang na naman ako sa isa pang interview. tinest naman ang pagiging maboka ko sa english. nasubukan na naman yung palyadong debating skills ko. pati grammar inaayos. haha. sa tingin ko alam nung mga HR officers na nandun na hindi talaga ako seryoso sa application kong iyon…. eh sa kinabahan talaga ako gawa ng hindi ako prepared!!! haha.XD lalo akong natigilan nung tinanong ako kung anong career path na gusto kong tahakin… ang nasa isip ko nuon: KAYA LANG NAMAN AKO NAGHAHANAP NG TRABAHO SA NGAYON GAWA NANG NAKAKA BURYONG ANG BUHAY BABOY SA BAHAY!!! e alangan namang yan yung sabihin ko. ahaha. ang sinabi ko na lang: “for now, i’m taking every opportunities that will come my way.” – taray!~
sinabihan kami nung naginterview na may isa pang interview nakasunod – aba’y series of interview pala ito ano? umupo ako sa tabi nung friend ko tapos sinabing: alis na tayo!! wala naman ata tayong napala dito eh. sinayang lang natin yung oras nila. haha.XD
EXAM NAMAN! naku sinubok talaga nito yung mga natutunan ko nung freshman ako sa kolehiyo gawa nang puro math. buti na lang medyo hindi ko pa nakakalimutan yung mga age at volume problems na ‘yon. haha. natapos namin ng sobrang aga. siguro gawa nang pagmamadali at kagustuhang umalis na at makapaglunch.
pinabalik kami dun sa receiving area para maghintay ulit. mas lalong lumakas yung feeling namin na paghindi pa kami umalis dito, palalayasin na kami gawa nang parang jinoke-time lang namin yung process nila. tinawag na kami sa isa pang interview. sa loob-loob ko ayaw ko na. haha. sinabi hintayin na lang daw kaming tawagin at irefer kay MR. TAN…
naalala ko sinabi ko nun sa friend ko: ” baka si MR. TAN yung head security guard nila, palalayasin na tayo.” – sabay patagong tumawa. haha.
tinawag na kami, ako yung nauna. Ms. Tanya pala yun, isa sa mga HR officer nila. final interview na daw namin, nagskip kami ng dalawang steps gawa nang over qualified daw kami. joke. basta for some reason nagskip kami ng dalawang steps. siguro dinaan ko sa purong sindak. at nagpasindak naman sila. i command attention pa naman. haha. joke.XD
ayun, sabi niya na pumasa daw kami sa process nila. na yung company na iyon ay isang HR / Recruiting firm na naghahanap ng mga professionals at irerefer sa mga client companies nila. irerefer nila daw ako sa isang bankgo. sikat naman siya, with good pay and competetive professional environment. nakahinga ako ng maluwag nung narinig ko yung sinabi ni ms tanya… akala ko kasi ang sasabihin niya ay: ” thank you for wasting our precious time by applying here… please immediately vacate the premises or i shall call security.” — ito talaga yung inexpect kong sasabihin nila.
after that experience, narealize ko nakaka exhilarate maghanap ng work. and that i really enjoyed the experience. na sana maghahanap na lang ako ng work habangbuhay… joke.XD
pero infairness, masaya maghanap ng work especially para sa isang fresh grad na tulad ko.
abot kamay ko na lahat… kelangan ko na lang ng tamang portfolio ng decisions sa buhay.
and viola! fulfilling dreams and corporate success is on my way!!