siguro kung may isang bagay na nakalimutan kong talakayin sa blogs ko, yun ay kung bakit frozengulaman ang blog name na ginawa ko.
napaka versatile kasi na food product ang gulaman. pwedeng kainin ng frozen, ihalo sa panghimagas, gamitin sa mousse, gamitin sa experiments, at kung ano-ano pa. so ayun, gusto ko versatile yung theme.
ayun ang sabi ko dati, pero sa totoo lang may mas malalim pa na dahilan dun. well kung iisipin, di naman talaga ganoon ka-lalim. naniniwala kasi ako sa konsepto ng relativism. yung tipong lahat ng mga bagay magkakaugnay in a way na tayo sa sarili natin, nawawala ang idea ng pagkakarauon ng konsepto ng self kasi ang ating self o sarili ay naaayon sa mga taong nakapaligid sa atin.
in simpler sense, tao tayo kasi may ibang nilalang na nagsasabing tao tayo. at tayo rin ay nagiging hukom para sa pagkatao ng iba…
so ang tunay na rason kung bakit frozengulaman? dahil sa tatay ko. yes.
nung mga time kasi na nagiisip ako ng magandang heading/blog name nagkataon na bumili ako ng maraming gulaman/jelly sa aming suking tindahan. naging mahilig kasi ako sa jellies nuon nung nagsimula akong umakyat ng bundok kasi gawa sa sugar at water ang gulaman, perfect para sa mahahabang lakaran at pagakyat ng bundok. tapos parang naging hobby o nasanay na lang ako na kumakain ng jelly/gulaman at nadala ko ang kasanayan na ito sa bahay. pag naguuwi naman ako ng sang katerbang gulaman sa bahay, nilalagay ng tatay ko yung mga gulaman sa freezer. tapos ayun, nung nagyelo yung mga gulaman, nasarapan ako. kakaiba yung lasa sa bibig kasi hindi siya ganoon ka-tamis kasi nawawala yuyng lasa ng pagkain kapag frozen. isama mo pa yung kakaibang lamig na dulot nito sa bibig.
nagkataon kasi na nasarapan din si papa dun sa pinalamig na gulaman. something new, or atleast something na bago para sa amin.
in the end, ang blog na ito, kaya ko ipinangalang FrozenGulaman, ay dahil ito ay isa sa mga common pleasures namin ng tatay ko. kakaibang ligaya talaga ang dulot sa iyo ng isang pagkakataon kapag kasama ang tatay mo.
so in the end, nasan ang idea ng relativism?
may kanya-kanya tayong FrozenGulaman, may kanya-kanya tayong ligaya… nagkataon ito ang akin. =)
salamat sa pagdaan sa blog ko. nagustuhan ko rin ang blog mo.
babalik ako dito.