- a good friend of mine is right: “alamin mo kung kanino mo ipapautang ang perang pinaghirapan mo..” it really is true. pero as the famous cliche tells us that what will not kill you only makes you stronger. hindi ka nga lang makakabili ng front-row tickets sa incubus concert this july. maybe next time.
- People come and go. and it’s by choice. and most of the time they are unaware.
- on my way home kagabi sa lrt, may couple na nagpi-PDA-hardcore sa harap ko. (mind you, masikip ang LRT around 8:30pm so imagine kung nasa harap ko sila). so there i was with my big mouth and said: “ngayon lang ba kayo nagkita after five years? if not, get a room!” *sabay baba sa pinaka sumunod na station*. close call there. hoo!
- parang dati-rati sobrang nagmamadali na akong tumanda, to do things on my own. now, parang pwedeng bumalik na lang sa pagkabata? nuong mga panahong hindi pa ganoon ka-complex ang lahat and i don’t get to decide by myself those critical choices i need to make? i’ve been attacked by anxiety several times this week. yung tipong hindi ako mapakali out of no rational reason at all. i dunno. i think it’s just me and my pessimism seeping from my mind through my body. i didn’t have a single deep fulfilling sleep, i hope this week it’ll come.
- i’m going somewhere this August! sana hindi bumagyo. sana hindi maulan. sana hindi bumagyo. sana. sana! =)
- i will start jutting down several notes i need to remember in my life. things to do. questions i need to ask. places i’d wish to visit. it will either be my short-term or long-term bucket list. it’s a bit personal so i will not be posting it in my blog. (as if anyone actually reads it. but nonetheless it shall be kept a secret else i deemed it otherwise.)
alice tried to think of six impossible things for breakfast, i think of six random things just to pass the time.

Hello!
I do agree with number 4 and 6. I am on my early twenties, yet I feel so old. Hehehe. (Instead na twenties and itype ko, thirties yung na-type ko. Aba! Hehehe). Minsan talaga napakasarap bumalik sa panahong kaibigan at assignment lang yung pinoproblema mo.
Yung sa number 6, makalat akong tao. Disorganized. Hehehe. Kaya sinusulat ko lahat ng gusto kong gawin at dapat na gawin.
Nakiki-feeling close lang. Hehehe.
ah yes. masaya nga nuong unang panahon. simple lang ang buhay. walang deadlines at career. =)
btw, sa item#6 ko. nakabili na ako ng notebook. nabalutan ko na rin ito ng astig na cover… kaso wala pa akong naisusulat! hahaha. nanghihinayang kasi ako kasi napakaganda ko magsulat eh. (sarcastic) mas nakakasulat pa ako dito sa blog ko. naka arial 12pt nga lang, pero at least naiintindihan ng mambabasa. hahaha. << at talagang ipinaliwanag ko? hahaha.
salamat sa pagdaan sa mumunti kong blog kaibigan. =)
Hala! Anong nangyari? Hindi ko ba na-click yung box na nagsasabing ‘Notify me of follow-up comments’? Naku, ngayon ko lang nabasa yung reply mo. Hahaha!
)
Tama, tama. Walang career pero wala ring pera. Hahaha. Pero naiisip ko rin wala naman talaga akong pera dati pa pero masaya naman. Bakit kaya?
Waah, Nakaka-relate na naman ako sa notebook na yan. Nakabili na rin ako (dalawa sila actually) pero yung isa mga 5 pages pa lang ang may sulat at yung isa ay blangko pa talaga at inaanay na doon sa sulok ng kwarto ko. Nyahahaha.
Nakiki-feeling close na naman.