03
Hul
09

chismis

“Chismoso sila,lalo na ang memcom head” sabi sa akin ng fincom head. Pero ano ba talaga ang meroon sa chismis at ganoon na lang tayo kagalak sa tuwing may isang taong punto ng ating usapan sa tambayan?

Kakaibang ngiti ang pumipinta sa mga labi ng ex-lover ng mukhang pera at tahimik lang sa isang tabi si atlas. Sabay tawa ng ‘sang lipunan ng economiya. Hindi ko alam yung punto ng kuwento pero nandyan sila,pinagkakatuwaan ang walang habas na panimula hanggang sa dulo ng istoryang hindi mo alam kung saang barberya nagsimula.

Sa chismis nagsisimula ang araw ko, mula sa sinumpaang pangako ng thesis hanggang sa pangako ng thesis sa gabi, thesis – isang malaking chismis, sana. Sana thesis na requirement sa pag grad ang chismisan moments sa tambayan. Iibre, , Malaya, walang palugid, at Masaya. Pero paano nga ba nagsimula ang kuwento?

Nagsimula ang kuwento sa isang pangyayari, na may nagkuwento, at saka nayari ang paghahabi ng walang hanggang imahinasyon ng mga tao sa lipunan. Sino ba ang makakapagsabi ng tama o mali sa kuwento? Yung pinaka ideya na nandyan ang kuwento ay patunay na totoong may pinagmulan ito, walang aangal diyan. In simpler sense, walang usok kung may csb sa paligid – kasi kung wala’y nagyoyosi ang mga yosidero’t yosidera sa tambayan.

Isang escape goat lang ang tsismis. Siguro kasi wala nang ibang mapagusapan pa. o di kaya’y walang nangyaring kakuwento-kuwento sa isang buong araw ng isang nilalang.o di kaya’y may ayaw pagusapan kaya heto’t pinagtitripan ang walang kamalay-malay na nilalang na walang ginawa kundi magpakatotoo at maging sarili niya.

Pero, kung ihahambing mo sa matalinong talakayan sa klase, walang sinabi ang talakayan sa tambayan. Mula sa mga balitang binalita ng mamamalita hanggang sa chismis na chinismis ng mga walang magawa. Lahat ng iyon isinisiwalat. Lahat walang kawala sa mapagmatyag na mata ng mga chikadoro’t chikadora. Pati ang pasimple mong pagtanggal ng tinga, ikakalat na natanggal ang pustiso mo’t dagliang pinulot habang nagkukunwaring walang nakakita. Huli ka na, wala kang kawala!

Kung lilipas ang isang araw ng walang chismis… wag na lang. kung may isang taong mabubuhay ng wala ito, marapat na lang siyang gawan ng dambana at sambahin sapagkat kakaibang talento ang umilag sa mga hagupit ng mga istoryang ipinalabok ng pagiisip ng lipunan.
Malaya. Pero hanggang saan ang Malaya? Hanggang saan ang tama lang? hanggang sa umalis na lang si atlas sa tambayan? Hanggang sa hindi na na-GA si jacktv? O hanggang sa matigilan na lang sa ginagawa si cocaine?

Pagtagpitagpiin ang silohismo. Lapatin ng mga konsepto ng sikolohiya’t ekonomiya ang paraan ng pagiisip. Maging kritikal. Sapagkat ang lahat ng ito’y tsismis lang. nalinlang ka na.

————————————————————————————

currently wala akong access sa internet connection.XD hay, ang buhay estudyante: kung kailang may mga bagay na puwede mo nang gawin, saka naman mawawalan ng resources para gawin ito.


2 Mga Tugon to “chismis”


  1. Hulyo 7, 2009 bandang 5:02 umaga

    ang tsismis ay naimbento ng mapaglikhang isipan ng mga tao…hanggang may tao sa mundo may tsismis hahahahahaha…


Mag-iwan ng Tugon