mga dasal

naalala ko tuloy nung kabataan ko, palagi kaming tinuturuan kung papaano ang tamang pagdarasal.

sa higit sampung taon ko sa isang catholic school, siguro naman hindi ko makakaligtaan yung isang kasanayan na pinaka madalas naming ginagawa. yun ang pagdarasal. lumaki kasi ako sa isang relihiyosong pamilya. magmula kay lola felisa, hanggang sa nanay at tatay ko, hanggang sa amin, sinigurado nila na ang pamilyang bubuuhin ay sumasandigan sa kinikilalang diyos at patuloy na susunod sa mga mapagmahal na tagubili nito. at dahil dito, minarapat ng mga magulang ko na pag aralin ako sa isang paaralang magpapaibayo sa angking kamalayan na kinagisnan ng pamilya. at 8:

so i spent more than half of my life bounded by the art of praying. mula sa mga sandaling tumapak ako sa lupain ng aming paaralan hanggang sa pag alis ko sa hapon, at sa bawat pagbangon at pagpikit ng aking mga mata – may mga dasal na nakaakibat dito.

sa mga panahong ginugol ko sa paaralang iyon, natutunan ko ang iba’t ibang mukha ng mga dasal. may mga nagbibigay ng pasalamat, may nanghihingi ng pagunawa’t pagpapatawad, may Christmas wishlist, may nagbibigay ng pangarap, may nagaasam ng dusa’t paghihirap sa kapwa, at marami pang iba. well, sino bang magaakalang may malalalim na pakahulugan ang mga dasal. basta yun ang mga tinuturo sa amin nuon. yun bang complexity ng pakikipagusap sa Diyos. sa isang nilalang na… may tatlong O: omniscient, omnipotent, at omnipresent.

kumbaga ang padarasal ay isang uri din naman ng pakikipagusap diba?

ano nga bang pinagkaiba nun sa pakikipagusap sa mga kaibigan mo? sa mga professors? sa mga simpleng manggagawa? sa mga pulitiko o sa mga artista?

pagdating sa komunikasyon? masasabi kong may alam naman ako ng konti sa pasikot-sikot ng mga teknikal na bagay na pumapaloob sa aspeto nito. yung tipong basic lang: sender-message-medium-receiver-reaction lang. ganun. minsan nga, nakikilala ko yung isang tao hindi dahil sa kung ano ang sinasabi niya pero mas  sa kung paano nakakapanghimok ng mga damdamin ang mga salitang lumalabas sa bibig nito.

pero ang komunikasyon kasi ng tao sa tao ay innate…

ang pagdarasal naman… minamana.

kasi wala namang sangol na marunong magdasal sa mga unang taon ng kanyang buhay. kumbaga naaayon sa mga magulang nito ang pagsasanay sa pagdarasal para paglaki ng sangol na iyon, may angking kasanayan na itong manalig.

kung tatanungin mo ako, hindi ko alam kung bakit tungkol sa mga dasal yung naisipan kong post. kumbaga andami kong puwedeng ikuwento pero nanatili ako sa pagpapaliwanag ng ilan sa mga sa tingin ko’y dahilan ng ating pagdarasal pagdarasal.

siguro sa inikli ng panahon… nakalimutan ko nang magdasal. hindi ko sinasabing kulang pa ang mga taong ginugol ko sa isang catholic school. hindi ko rin alam kung nasobrahan ako sa pagdadasal nuon, kumbaga nakapagdasal na ako ng sapat to last me a lifetime… ganoon ba yun? posible bang masobrahan ng pakikipagusap sa Diyos?

siguro kasi napansin ko na sa pagdadasal, hindi nakukumpleto ang ang berlo’s model of communication na Sender-Message-Medium-Receiver-Reaction.

o di kaya, nahiya na lang ako sa kanya kasi hindi naman ako karapat-dapat na humiling ng tulong at pag gabay sa kanya…

o  baka naman, nagsawa na lang ako sa mga dasal na hindi tinutugon…

o maaari ding naging kuntento na ako sa buhay ko kaya’t wala na akong hihilingin pa…

kung ano man, sa tingin ko may mas malalim pa na dahilan, masmalalim pa sa konsepto ng komunikasyon, o mga aral na napupulot sa theology. sa lalim nito’ y hindi na saklaw ng ng sosyolohika at sikolohika. at marahil hidni kayang ipaliwanag ng ekonomika, taliwas sa paniniwala ng ilang propesor ko.

=============================================================

naalala ko dati, nung mga panahong nag-doubt ako sa mga paniniwala ko – narealize ko na may mga tao sa atin paligid na sadyang pinadala ng diyos para mas palapitin tayo kanyang kalinga.

hanggang sa napagtanto ko na may mga rason pa pala ako para magdasal… para magpasalamat sa pagkakilala sa mga taong ito.

at ngayon, ang blogpost na ito ay isang dasal ng pasasalamat ko, para sa mga taong nagbibigay ng lakas ng loob at nagbibigay ng tuwa’t sigla sa buhay ko araw-araw… na sana nawa’y maging isa ako sa mga taong magdudulot din ng lakas ng loob at saya sa mga taong ito upang masuklian ang kanilang mga nagawa sa akin. o kung hindi nama’y sana ang diyos na mismo ang susukli sa mga kabutihang dulot nila sa isang katulad kong minsang tumaliwas sa mga ninais niya para sa akin.

hindi na ako marunong magdasal. pero muli, susubukan ko.

About these ads

3 Comments

Filed under blog, random thoughts

3 responses to “mga dasal

  1. Kala Koh DASAL,, Blog mu lang pla,, by the way Maganda siya,,god Bless!!

  2. “ama salamat po.”
    ama kung lumikha ng langit at lupa
    pati na kaming nilikha mo nagpapasalamat
    kami sa lahat ng ginawa nyo para samin
    sa lahat ng inyong ginawang kabutihan
    agad agad namin tung ibabalik saiyo
    salamat po sa

  3. ayan na pong ngabigay na ko ng dasal ^^
    bye the way eto po yung cellphone # ko 09185699200
    text po tayo kasi madami po akong alam na dasal para sa panginoon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s